I ordered Muscle Power 142 motorized treadmill last december 15,2014. They said my item will arrive 5-12 business days since Im from pangasinan, After 3 follow up calls dumating din yung order ko ng january 15,2015. Bago ko buksan yung box napansin ko na may tampered dun sa Product label ng box. Kala ko nagasgas lang nung byenahe so di ko gaano pinansin inisip ko box lang naman yun, ang mahalaga walang gasgas yung product sa loob. Syempre pagbukas ko ng box excited agad akong iassemble para matesting kung gumagana ng maayos. After ko naassemble saka ko lang napansin yung product number sa silong ng treadmill. Instead na muscle power 142 ang nakalagay muscle power 1306 which is cheaper ng 2k sa order ko. Saka ko naalala yung box kaya pala may tampered yung product name para di mahalata na ibang product yung binigay nila. Tumawag ako sa lazada and I asked for refund kasi naiinis na ako and they suggest to return my product to 2go. Upon checking sa 2go website nareceive na nila yung return ko last January 22 pa so i called lazada again kung ano na status ng return ko. Sabi nila they will coordinate with their warehouse team na naghahandle ng returns kung nareceive na nila yung product ko. They will keep me updated daw. After 1 week tumawag ako ulet kasi wala paring update. Sabi ba naman they are still waiting for the response of their returns team. Hindi naman siguro masyadong maliit yung product ko para di nila mahanap. It is a 78 kilo box siguradong matatandaan nila yun kung sakaling may nireturn na product na ganun kabigat. Until now wala paring response from lazada.